medyo nagtaka ako sa tanong nya.. akala ko pa nga ay magtatanong sya ng direksyon papunta sa ganito o ganyang lugar.. pero nagkamali ako.. bigla na lang akong sinabihan ng lalaki na "Miss, bawal pong gumamit ng cell-phone dito"..
nabigla ako sa tinuran ng mama... kelan pa ho pinagbawal ang pag-gamit ng cellphone? nasambit ko.. tapos ay nilabas ng lalaki ang isang malaking I.D at sinabing isa daw syang Pulis.. pero bigla din nyang binalik ang I.D. nya "kuno" sa kanyang likurang bulsa...
napansin ni Chen ang mga pangyayari at nagsalita sya...sinungaling ka Kuya! di totoo ang sinasabi mo.. wag kang maniwala dyan, Claire. modus lang yan!
nanlaki ang aking mga mata sa narinig.. nabigla din ang lalaki.. sinabi nyang nagsasabi sya ng totoo at patutunayan daw yun ng ID nya.. ang sabi ni Chen-Chen, hay naku! manloloko kayo! may nabiktima na kayo sa lugar namin sa Madapdap! kukunin nyo lang ang cellphone namin! baka gusto ninyong tumawag talaga ako ng totoong pulis?
sa narinig ay bigla na lang umatras ang mama at dali-daling lumayo sa amin... kinuwento sa akin ni Chen-Chen ang nangyari sa kanyang kapit-bahay na nabiktima ng mga nakabisekleta na nagpapanggap na pulis.. totoo ngang may mga umaaaligid ngayon na nagsasabi sa mga bibiktimahin nila na bawal ang gumamit ng cell phone sa isang lugar at bigla na lang nilang kukunin ang cell phone mo para i-confiscate..
naku, buti na lang pala at naroon si Chen-Chen para balaan kami sa ganung modus operandi! kung hindi ay baka nawala na rini ang cell phone ko!
babala po ito sa lahat ng aking mambabasa.. nasaan man kayo, sa Pampanga man o sa kahit anong lugar, magmatyag po tayo at maging aware sa mga taong lumalapit sa atin at nagsasabing bawal ang gumamit ng cellphone! kahit magpakita pa sila ng I.D ay wag po kayong mahuhulog sa mga bitag nila...
kailanman ay walang batas na nagbabawal na gumamit ng cellphone sa pampublikong lugar!